Imelda Papin Medley Lyrics
Ng ibigin kita
marami ang nagtaka
May nagsabi na
bulag raw
ang aking mata
Ang sagot ko hindi
bale ng bulag
H’wag lamang magtaksil
Sa bulong ng damdamin ko
Ng ibigin kita
marami ang nailing
May nagsabi
marahil nga raw
ako ay hangal
Ang sagot ko
ako ay hindi
hangal
Mas hangal ang mga
pusong di natutong
magmahal
Kasalanan bang
umibig ng walang
hanggan
Kasalanan bang
umibig ng buong
tapat
Kung ibigin ka’y
kasalanan
Ayaw kong mawasto
Sa pagkakamali
ayaw kong gumising
Ikaw ang dahilan
ng kanyang paglayo
Labis kong dinamdam
pag-ibig ko’y bigo
S’ya’y umibig sa’yo
sana’y mahalin mo
Katulad ng
pagmamahal ko
Nilimot n’ya ako
ng dahil sa iyo
Kaya kong tanggapin
Sapagka’t palad ko
Ang kaligayahan n’ya
ay nasa sa ‘yo
Ang lahat ay
matitiis ko
‘Di ko sukat
akalaing ganito
Ang hapding daramdamin
ng puso ko
Ano nga bang mayron
kang wala ako
At s’ya ay naakit sa iyo
Nagsusumigaw ang
aking damdamin
At pagluha’y di ko
kayang pigilin
Iniibig ko ang
iniibig mo,
Paano ako?
Kasalanan bang
umibig ng walang
hanggan
Kasalanan bang
umibig ng buong
tapat
Kung ibigin ka’y
kasalanan
Ayaw kong mawasto
Sa pagkakamali
ayaw kong gumising
‘Di ko sukat
akalaing ganito
Ang hapding daramdamin
ng puso ko
Ano nga bang mayron
kang wala ako
At s’ya ay naakit sa iyo
Nagsusumigaw ang
aking damdamin
At pagluha’y di ko
kayang pigilin
Iniibig ko ang
iniibig mo,
Paano ako?