Imelda Papin – Isang Linggong Pag-Ibig Lyrics

Imelda Papin Lyrics

“Isang Linggong Pag-Ibig”

Lunes nang tayo’y magkakilala

Martes nang tayo’y muling nagkita

Miyerkules, nagtapat ka ng ‘yong pag-ibig

Huwebes ay inibig din kita

Biyernes ay puno ng pagmamahalan

Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

Sabado, tayo’y biglang nagkatampuhan

At pagsapit ng Linggo, giliw, ako’y iyong iniwan

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Natulog akong ikaw ang kapiling

Ngunit wala ka nang ako’y gumising

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap

Sa isang iglap lang, nawala ring lahat

Lunes nang tayo’y magkakilala

Martes nang tayo’y muling nagkita

Miyerkules, nagtapat ka ng ‘yong pag-ibig

Huwebes ay inibig din kita (inibig din kita)

Biyernes ay puno ng pagmamahalan

Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

Sabado, tayo’y biglang nagkatampuhan

At pagsapit ng Linggo, giliw, ako’y iyong iniwan

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Natulog akong ikaw ang kapiling

Ngunit wala ka nang ako’y gumising

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap

Sa isang iglap lang, nawala ring lahat

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Natulog akong ikaw ang kapiling

Ngunit wala ka nang ako’y gumising

Oh, kay bilis ng iyong pagdating

Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din

Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap

Sa isang iglap lang, nawala ring lahat