Imelda Papin Lyrics
“Habang May Panahon”
Ilang ulit nung salitan ang tag araw at ang ulan
Magkahalong tuwa’t lungkot ang aking naramdaman
Oh kay bilis ng panahon ni hindi ko na malayan kasing bilis ng ikot ng iba’t ibang kasaysayan
Ilang ulit na ako ay nag alay ng pag ibig ilang ulit na nadala ngunit muling nagbabalik
Sa pag tupad ng pangarap hinamon ko ang daigdig ilang ulit na nadapa ilang ulit ding tumindig
Kay bilis bilis ng panahon kay layo na ng kahapon
At habang may panahon harapin ang bawat ngayon
Nadarang ang puso ko sa init ng kabataan at ni minsan ang diwa ko’y nilasing ng tagumpay
Ngunit minsan ako’y bigo halos walang malapitan kaya ako’y nanalig sa sarili kong kakayahan
Mulit muling nag salitan ang tag araw at tag ulan
Magkahalong tuwa’t lungkot ang aking nararamdaman heto ako’t nasa gitna
Nakikihawak sa buhay binabagtas ang landas nang sarili kong kasaysayan