Bulong Ng Damdamin (Lyrics)
Imelda Papin
Nang ibigin kita, marami ang nagtaka
May nagsabi na bulag raw ang aking mata
Ang sagot ko, “Hindi bale nang bulag
‘Wag lamang magtaksil sa bulong ng damdamin ko”
Nang ibigin kita, marami ang nailing
May nagsabi, marahil nga raw, ako ay hangal
Ang sagot ko, “Ako ay hindi hangal
Mas hangal ang mga pusong ‘di natutong magmahal”
Kasalanan bang umibig nang walang hanggan?
Kasalanan bang umibig nang buong tapat?
Kung ibigin ka’y kasalanan, ayaw kong mawasto
Sa pagkakamali, ayaw kong gumising