Ice Seguerra – Pagdating Ng Panahon Lyrics

Ice Seguerra Lyrics

“Pagdating Ng Panahon”

Alam kong hindi mo pansin

Narito lang ako

Naghihintay na mahalin

Umaasa kahit ‘di man ngayon

Mapapansin mo rin

Mapapansin mo rin

Alam kong ‘di mo makita

Narito lang ako

Hinihintay lagi kita

Umaasa kahit ‘di man ngayon

Hahanapin mo rin

Hahanapin din

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako

Baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mo

Sana nga’y mangyari ‘yon, kahit ‘di pa lang ngayon

Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam

Narito lang ako

Maghihintay kahit kailan

Nangangarap kahit ‘di man ngayon

Mamahalin mo rin

Mamahalin mo rin

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako

Baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mo

Sana nga’y mangyari ‘yon, kahit ‘di pa lang ngayon

Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

‘Di pa siguro bukas

‘Di pa rin ngayon

Malay mo balang araw

Dumating din iyon