Ice Seguerra – Araw Gabi Lyrics

Ice Seguerra Lyrics

“Araw Gabi”

‘Di biro ang sumulat ng awitin para sa ‘yo

Para akong isang sira-ulong hilo at lito

Sa akin pang minanang piyano, tiklado’y pilit nilaro

Baka sakaling mayro’ng tono, bigla na lang umusbong

Tungkol saan naman kayang awiting para sa ‘yo?

‘Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono

Sampu man aking diksyonaryo kung ang tugma’y ‘di wasto

Basta’t isiping ‘di magbabago damdamin ko sa ‘yo

Araw-gabi, nasa isip ka

Napapanagip ka kahit sa’n man magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa

Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid

Dapat mo lamang mabatid laman nitong dibdib

Tila sampung-daang awitin ang natapos kong likhain

Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin

Araw-gabi nasa isip ka

Napapanagip ka kahit san man magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa

Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi nasa isip ka

Napapanagip ka kahit san man magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa

Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Araw-gabi tayong dalawa