NENA
by Heber Bartolome
Ang nanay
n’ya’y naglalaba
Ang tatay n’ya’y pagod
Galing sa trabaho
wala pang tulog
Si Nena’y nagbabasa
nagaaral pa
Nagiisang anak
ng kanyang ama’t ina
Tanging pagasa
ng kanyang ama’t ina
Ang nanay
n’ya’y umiiyak,
ang tatay
n’ya’y patay
Naipit ng makina
doon sa pabrika
Sinikap
ng kanyang nanay
na sila ay mabuhay
Sa paglalaba ay
tumulong s’ya
Si Nena’y natigil
sa pagaaral n’ya
Lumaki si Nena
di nakapagaral
‘Di natitiyak
kung ano ang bukas
O kay hirap ng buhay
na kanyang dinanas
Ang tanong niya
kaylan ito
magwawakas
Ang nanay
n’ya’y nakahiga,
mata’y nakapikit
Sa labis na trabaho,
ito’y nagkasakit
Si Nena’y nababalisa,
kaylangan n’ya’y pera
Walang mauutangan
sa’n s’ya kukuha
Lumaki si Nena
di nakapagaral
‘Di natitiyak
kung ano ang bukas
O kay hirap ng buhay
na kanyang dinanas
Ang tanong niya
kaylan ito
magwawakas
Bago dumi
lim si Nena’y umaalis
Laging nakamakeup
maiksi ang damit
Ang itsura
n’ya ay kaakitakit
Bukas na ng umaga
ang kanyang balik
Ayaw ni Nena ngunit
s’ya’y nagigipit
Lumaki si Nena
di nakapagaral
‘Di natitiyak kung
ano ang bukas
O kay hirap ng buhay
na kanyang dinanas
Ang tanong niya
kaylan ito
magwawakas