Heber Bartolome Lyrics
“Kung Walang Pag-ibig”
Isang babae na feminista
Isang lalakeng aktibista
Silang dalawa’y nagkakilala
Nagkasundo sa pulitika
Nagkagustuhan, nagpakasal
Ngunit agad na nag-away
Dahil sa mumunting bagay
Kaya sila ay naghiwalay,
Ay, ay, ay, ay,
Hindi si Lenin, hindi si Marx
Hindi si Mao Tse Tung, hindi silang lahat
Sila’y hindi mahalaga
Kung walang pag-ibig
Kung walang wagas na pag-ibig
Sa isa’t isa
May dalawang magkasintahan
Na gusto nang magpakasal
Tumutol ang mga magulang
Alam nyo ba ang dahilan?
Ang kanilang mga pamilya,
Relihiyo’y magkaiba
Pareho lang naman ng Biblia
Anong laki ng problema
Ay, ay, ay, ay,
Hindi simbahan, hindi iglesia
Hindi Birhen, o born-again, hindi ang Papa
Sila’y hindi mahalaga
Kung walang pag-ibig
Kung walang wagas na pag-ibig
Sa isa’t isa
INSTRUMENTAL
Hindi si Lenin, hindi si Marx
Hindi si Mao, hindi silang mabibigat
Sila’y hindi mahalaga
Kung walang pag-ibig
Kung walang wagas na pag-ibig…
Hindi si simbahan, hindi iglesia,
Ananda Marga, Hare Krishna o si Buddha
Sila’y hindi mahalaga
Kung walang pag-ibig
Kung walang wagas na pag-ibig
Sa isa’t isa.