Heber Bartolome Lyrics
“Karaniwang Tao”
Pagkat ako’y karaniwang tao
May simpleng trabaho, katamtamang sweldo
Walang bahay at lupa
O kotseng magara
Na meron sila ako’y wala
Hindi bale, okay lang sa akin
Basta’t walang masamang gawain
At ang tanging yaman ay mga kaibigan
Na kung kailangan ko’y naririyan
Darating din sa akin ang swerte
Yan ang aking laging pinaka hihintay
Kung dumarating ang pagod
Ang konting pahinga’y kinakailangan
Upang bukas ay magpatuloy
Ngunit lalong ang bayan ko’y naghirap
Halaga ng piso ay lalong bumagsak
At ang mga bilihin tumaas ang presyo
Ngayo’y kulang na ang sweldo ko
Darating din sa akin ang swerte
Ngunit kailan kaya kailan pa kailan pa
Kung dumarating ang pagod
Wala na ‘kong oras upang magpahinga
Ngunit kailangang magpatuloy
Ang tanong ko’y
Ba’t nagka ganito
Sobrang trabaho
‘Di tapat ang sweldo
Walang bahay at lupa
Sa sariling bansa
Bakit meron ang dayuhan ako’y wala