Heber Bartolome – Istambay Lyrics

Heber Bartolome Lyrics

“Istambay”

Ang Nanay ko’y laging wala, naroon sa kapit-bahay

Sa madyunga’y natatalo, kaya’t mainit ang ulo

Tatay ko’y laging lasing, umaga na kung dumating

Hindi matatanong, baka ikaw ay sipain

Lagi silang nag-aaway, naririnig ng kapit-bahay

Pati ako’y minimura, ako’y anak daw ng tupa

Istambay diyan sa kanto

Ako ang istambay diyan sa kanto

Pagala-gala sa lansangan

Naglalakad akong walang pupuntahan

Ako nama’y anak-mayaman, ang Daddy ko’y businessman

Wala siyang panahon sa Mommy kong nalulumbay

Ang Mommy ko’y naghanap, siya’y kumaliwa

Ngunit sa Daddy ko, siya pala’y balewala

Ano ang aking gagawawin, ako’y hindi pinapansin

Ako ngayo’y naririto, humihithit nitong damo

Istambay diyan sa kanto

Ako ang istambay diyan sa kanto

Saan ako patutungo

Kaliwa ba o kanan o diretso

Kami ngayo’y naririto, hanap ay ‘di alam

Huwag sanang sisihin, bagkus kami’y kahabagan

Istambay diyan sa kanto

Kami ang istambay diyan sa kanto

Pagala-gala sa lansangan

Naglalakad kaming walang pupuntahan

Istambay(istambay) diyan sa kanto

Kami ang istambay diyan sa kanto

Saan kami (saan kami) patutungo

Kaliwa ba o kanan o diretso

Istambay (istambay) diyan sa kanto (diyan sa kanto)

Kami ang istambay diyan sa kanto

Saan kami (saan kami) patutungo

Kaliwa ba o kanan o diretso

Hahahaha… ayoko na nang inuman