Heber Bartolome – Almusal Lyrics

Heber Bartolome Lyrics

“Almusal”

Nilagang kape, tuyo at sinangag

Dilis na binusa at pritong tinapa

Sawsawang suka, bawang at paminta

Ganyan ang almusal na nakakagana

 

Nilagang itlog, kamatis na may asin

Ganyan ang laging kombinasyon sa pagkain

Isda man o karne, sadyang mahal ngayon

Kaya’t ulam namin, inihaw na talong

 

(REF)

Dahil ako’y lumaki sa pagkaing ganyan

Kahit anong ihain ng mahal kong nanay

Hindi ko na kailangan pa, tinidor at kutsara

Ang magkamay ay mas mainam pa

 

Sardinas na maanghang, inutang lang sa tindahan

Manipis na pandesal sa kape’y isinasawsaw

Presyo ng bilihin, hindi na makaya

Kaya’t nagtitiyaga sa tuyo at tinapa

 

(Repeat Chorus)

 

Kaya nga ngayon, panaho’y nagbago

Pagkain ng almusal, di na yata uso

Merong nagtitipid, gumagawa ng paraan

Ang almusal at tanghalian, pinagsasabay na lang

 

(Repeat Chorus except last word)