Hajji Alejandro – Kay Ganda ng Ating Musika Lyrics

Magmula no’ng ako’y natutong umawit

Naging makulay ang aking munting daigdig

Tila ilog pala ang paghimig

Kung malalim, damdami’y pag-ibig

Kung umapaw ang kaluluwa’t tinig

Ay sadyang nanginginig (nanginginig)

Magmula no’ng ako’y natutong umawit

Bawat sandali’y aking pilit mabatid

Ang himig na maituturing atin

Mapupuri ‘pagka’t bukod-tangi

‘Di marami ang ‘di magsasabing

Heto na’t inyong dinggin

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang-buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

Magmula no’ng ako’y natutong umawit

Nagkabuhay muli ang aking paligid

Ngayong batid ko na ang umibig

Sa sariling tugtugtin o himig

Sa isang makata’y maririnig

Mga titik, nagsasabing (nagsasabing)

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang buhay, awitin natin

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin (kay ganda)

At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

Kay ganda ng ating musika