Gary Granada – Salamat Musika Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Salamat Musika”

Paano mo patahimikin

Ang isang bunsong iyakin

Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin

Paano mo patatahanin

Ang pagtatampo ni Neneng

Pasalamat ka’t may awit na kakantahin

Sa mga indayog tayo’y napapasayaw

At sa labis na galak ay napapasigaw wow

Ang mga kirot sa puso ay lumilipad

Ang mga mithi ay natutupad

Salamat salamat musika

Lahat ng panahon maasahan ka

Salamat salamat musika

Itong munting mundo ay napapasigla

Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip

Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig

Ang magagandang tanawin at mga tulang malamim

Kukulangin din upang tayo’y aaliwin

Aanhin ang kayamanang hindi madadala

Aanhin ang kagandahang pansamantala

Ang katahimikan ba ay may nagagawa

Upang ihayag ang nadarama

Salamat salamat musika

Lahat ng panahon maasahan ka

Salamat salamat musika

Itong munting mundo ay napapasigla napapasaya

Salamat salamat musika

Lahat ng panahon maasahan ka

Salamat salamat musika

Itong munting mundo ay napapasigla

Salamat musika

Salamat musika

Salamat musika

Salamat musika



Related