Gary Granada – Pag Natatalo Ang Ginebra Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Pag Natatalo Ang Ginebra”

Sinusundan ko ang bawat laro

Ng koponan kong naghihingalo

Sa bawat bolang binibitaw

Di mapigilang mapapasigaw

Kahit hindi relihiyoso

Naaalala ko ang mga santo

O San Miguel Santa Lucia

Sana manalo ang Ginebra

Sa Coliseum at Astrodome

Nakikisiksikan hanggang bubong

Nang-aalaska at nanggugulo

Pag nagfifree throw ang katalo

Ang barangay ay nagdiriwang

Halftime ay kinse ang aming lamang

Cameraman huwag mo lang kukunan

Si senador at congressman

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaan ang nabibigatang puso

Pagbigyan nyo na ako

Sa munting hilig kong ito

Kung hindi baka mag-away pa tayo

Nang 2nd half ay mag-umpisa

Puro palpak ang tira nila

Offensive foul si Noli Locsin

At si Gayoso na-traveling

Sa kakaibang shorts ni Jaworski

Ay ipinasok ang sarili

Kalagitnaan ng 4th quarter

Tabla ang score 88-all

Drive ni Pido ay nasupalpal

Defense nila na-technical

Parang gumuho ang aking daigdig

Nang maagawan si Bal David

Nang bumusina ng last 2 minutes

3 points ni Hizon ay nagmintis

Kunsumisyon ay nagpatong-patong

Graduate si Marlou at si Ong

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan nyo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya ng bahagya itong mundo

24 seconds lamang ng lima

Ang kalaban bola pa nila

Dumidilim ang aking paningin

Ang tenga ko ay nagpapanting

Bumabalik sa aking isip

Ang nakaaway ko noong Grade 6

Parang gusto ko nang magkagiyera

Pag natatalo ang Ginebra

Galit ako sa mga pasista

Galit ako sa imperyalista

Feel na feel kong maging aktibista

Pag natatalo ang Ginebra



Related