Gary Granada – Pag Nananalo Ang Ginebra Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Pag Nananalo Ang Ginebra”

Sinusundan ko ang bawat laro

Ng koponan kong naghihingalo

Sa bawat bolang binibitaw

‘Di mapigilang mapapasigaw

Kahit hindi relihiyoso

Naaalala ko ang mga santo

O San Miguel, Santa Lucia

Sana manalo ang Ginebra

Ngunit ang aga nilang nagkalat

Bawat diskarte, nasisisilat

Nagkasundo kaming magkakampi

Na ang labo kasi ng referee

Ang barangay, parang napeste

Natambakan agad kami ng bente

Parang bansa’y nagkaleche-leche

At nare-elect ang presidente

Pagbigyan n’yo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan n’yo na ako

Sa munting hilig kong ito

Kung hindi’y baka mag-away pa tayo

Nang 2nd half ay nag-umpisa

Nag-umpisa ang ratsada nila

Ipit na pukol ni Noli Locsin

Kahit finoul, pasok pa rin

Ang double-team nila’y walang epekto

Sa alee hoop at alahoy ni Marlou

Sunod-sunod sa magkabilang kanto

3 points ni Hizon at Jarencio

Opensa nila ay nasasaling

Sa hustle ni Mackie at Benny Cheng

Halos ang bola ay ‘di makatawid

Sa mga nakaw ni Flash David

Ang execution ay swabeng-swabe

Sa mga plays ni Coach Jaworski

Biglang umugong ang buong palibot

Mukhang maglalaro na rin si Dudut

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaang ang nabibigatang puso

Pagbigyan n’yo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya ng bahagya itong mundo

Tatlong minuto pa ang natitira

Nang kami ay nakahabol na

Sa isang iglap nagpalit ng score

Lamang na kami 99-94

Bumabalik sa aking isip

Ang manliligaw ko noong Grade 6

Napapatawad ko na ang Alaska

‘Pag nananalo ang Ginebra

O kay ganda ng aking umaga

Feeling ko wala akong asawa

At ang dati kong boyfriend ay hiwalay na

‘Pag nananalo ang Ginebra



Related