Gary Granada – Mabuti Pa Sila Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Mabuti Pa Sila”

Mabuti pa ang mga surot, laging mayron may sisiksikan

Mabuti ang bubblegum, laging mayron didikitan

Mabuti pa ang salamin, laging mayron tumitingin. ‘

Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel

At mas mapalad ang kamatis, maya’t maya’y napipisil

Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda. ‘

Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano ba’ng wala ako na mayron sila? ‘

Di man lang magkaisa habang iba’y dala-dalawa

Pigilan n’yo ako magpatiwakal

Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng “mahal”

Kahit ang suka ay may tuyo, at ang asin may paminta

Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap an isda

Mabuti pa sila, mabuti pa sila. ‘

Di tulad kong laging na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue, at laging nahahalikan

Mabuti pa ang dating bisyo, umaasang babalikan

Mabuti pa sila, mabuti pa sila. ‘

Di tulad kong umuuing nag-iisa

Pigilan n’yo ako magpatiwakal

Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal?

Mabuti pa mga snatcher, at laging may nag-hahabol

Ang akin luma na computer, mayron pa rin compatible

Mabuti pa sila, mabuti pa sila. ‘

Di tulad ko, hanggang ngayon, nag-iisa



Related