Gary Granada – Bahay Lyrics

Gary Granada Lyrics

“Bahay”

Sige, sige, sige
Isang araw, ako’y nadalaw sa bahay-tambakan

15 mag-anak ang doo’y nagsiksikan

Nagtitiis sa munting barong-barong na sira-sira

Habang doon sa isang mansiyon, halos walang nakatira

Sa init ng tabla’t karton, sila doo’y nakakulong

Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong

Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato

Hindi ko maintindihan, bakit ang tawag sa ganito ay bahay?

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata

Ang kanilang kalagayan, ginawan ko ng kanta

Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman

At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko

At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo

At ang pinagpala sa mundo, ang diyaryo at ang pulpito

Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito ay bahay

Maghapo’t magdamag silang kakayod, kakahig

Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig

Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay

‘Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mayayamang patay

Baka naman, isang araw, kayo doon ay maligaw

Mahipo n’yo at marinig at maamoy at matanaw

Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya

Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha ay bahay?



Related