Freddie Aguilar – Katarungan Lyrics

“Katarungan”

Song by Freddie Aguilar

Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak

Ang tanong n’ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag

Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad

Bakit daw s’ya nagdurusa sa kasalanang ‘di n’ya ginawa?

Kahapon lamang ay kapiling n’ya kanyang asawa at anak

Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa

Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya

S’ya daw ang may sala sa isang krimen na ‘di naman n’ya ginawa

Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n’ya?

Ilan pang tulad n’ya ang magdurusa nang walang kasalanan?

‘Di ba’t ang batas natin, pantay-pantay, walang mahirap, mayaman?

Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan?

Mga ilang araw na lamang, haharapin na n’ya ang bitayan

Paano n’ya isisigaw na s’ya’y sadyang walang kasalanan?

Tanging ang Diyos lamang ang s’yang saksi at s’yang nakakaalam

Diyos na rin ang s’yang bahalang maningil kung sino’ng may kasalanan

Dumating na ang araw, haharapin na n’ya, kanyang kamatayan

Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang

Oh, ang batas ng tao, kung minsan ay ‘di mo maintindihan

Ilan pang tulad n’ya ang magdurusa nang walang kasalanan?