Florante – Watawat Lyrics

Florante Lyrics

“Watawat”

Visayas Luzon at Mindanao ay nagkaugnay

Iisang watawat ang iwina-wagayway

Maraming bayaning nagbuwis ng kanilang buhay

Huwag lamang masakop ang bandilang taglay

Malawak ang lupa na mapapagtaniman

Isda ay marami sa alat o tubig tabang

Ating pagyamanin ang dagat at lupang tigang

Habang may sariling watawat ang ating bayan

Watawat sagisag ng ating inang bayan

Sa bawat mananakop ay ipagsanggalang

Mayaman itong ating bayan kung sa yaman lang

Hanapin at sikapin n’yong ito’y makamtan