Florante – Tapayan Lyrics

Florante Lyrics

“Tapayan”

Mayrong isang sepulturero doon sa libingan

Lupa ay kanyang hinuhukay basta’t mayrong patay

Minsan siya ay nakahukay ng lumang tapayan

At ng makita ang laman siya ay hinimatay

At nang siyay magising wala na ang tapayan

Saan na napunta ang kanyang katanungan

Sariling ulo niyay sinuntok sa panghihinayang

At dahil nga doon siya ay naging isang baliw

Bawat puntod sa may libingan ay pinagtanungan

Bawat tao na madaan ay kanyang hinaharang

Nais nitong sepulturero na siya ay tulungan

Tulong na sana ay hanapin ang lumang tapayan

At dahil sa laman ng isang lumang tapayan

Ang sepultureroy nabaliw na ng tuluyan

Tapayang ang laman kung nais nyong malaman

Huwag nyo kong tanungin pagkat hindi ko rin alam

Ano nga kaya ang nilalaman ng lumang tapayan

Kayo ba’y bitin katulad ko tayo na at magtanong sa patay