Florante – Ngayon Lyrics

Florante Lyrics

“Ngayon”

Dilim sa kahapon na nagdaan

Huwag ng itanim sa isipan

Ngayon kung hindi mo napapansin

Ang matang hilam sa luha ay malabo ang paningin

Sadyang ang lahat ay dumaraan

Lahat ay dapat maramdaman

Damhin ang wasto at mga mali

Ang lahat ay pag-isipan upang di na magsising muli

Ngayon hawak mo ang bawat sandali

Huwag mong bayaang muling magkamali

Ngayon at sa tuwina ay tandaan

Kambal ang sayat kalungkutan

Tatag ng loob ay laging dalhin

Buhay ay isang pagsubok magmula ng ito’y tanggapin

Mapalad kat mayron ka pang ngayon