Florante – Nanay Mo Lang Lyrics

Florante Lyrics

“Nanay Mo Lang”

Sampung asawa, libong kaibigan

Makakakita sa mundo

Ngunit subukin ang katapatan

Ilan ang tunay at totoo

Iyong bilangin ang handang magdusa

At magpakasakit para sa iyo

Walang maaring pumantay sa iyong nanay

Nanay mo lang ang magtitiyaga sa iyo

Kahit maraming kamag-anakan

Huwag mong asahang dadamay sa iyo

Sa kagipitan, ang siguradong unang tutulong ay ang nanay mo

Iyong bilangin ang handang magdusa

At magpakasakit para sa iyo

Walang maaring pumantay sa iyong nanay

Nanay mo lang ang magtitiis sa iyo

Nanay mo lamang, nanay mo lamang

Nanay mo lang ang laging kakampi sa iyo

Nanay mo lamang, nanay mo lamang

Nanay mo lang na nagluwal sa iyo

Kung pipiliin, tatay o nanay

Sino ang nagpakahirap ng husto?

Huwag mong sabihin na pantay lamang

Dahil parehong nagmamahal sa iyo

Iyong bilangin ang mga lalaking nakahanda na magdalangtao

Walang maaring pumantay sa iyong nanay

Nanay mo lamang, nanay mo lamang

Nanay mo lamang, nanay mo lamang

Tanging ina mo, tanging ina mo

Tanging ina mo, tanging ina niyo

Tanging ina mo