Florante – Gitara Ko Lyrics

Florante Lyrics

“Gitara Ko”

Tuwing sasapit ang bawat umaga

Hinahaplos ko ang aking gitara

Gitara ko’y bahagi na nitong aking buhay

Sa hirap at sarap kami’y laging magkaakbay

Lahat halos ng aking inaawit

Gitara ko’y katulong kung umiisip

Ako’y pinalad mapadpad sa kung saan-saan

Kahit mahirap ang gitara ko’y aking pasan

Kahit na kailan kahit na saan pa man

Ang gitara ko’y aayon sa akin sa tugtugan

Kahit na kailan kahit na saan pa man

Bawat himig ay aming bibigyang daan

Kahit sa tagumpay o kabiguan

Gitara ko ay aking kaibigan

Mula’t sapul pa man gitara ko’y aking gabay

Wala pa kong pinagsisihang syang naging dahilan

Kahit na kailan kahit na saan pa man

Ang gitara ko’y aayon sa akin sa tugtugan

Kahit na kailan kahit na saan pa man

Bawat himig ay aming bibigyang daan