Florante – Gintong Aral Lyrics

Florante Lyrics

“Gintong Aral”

Ang bawat isa ay may patutunguhan

May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan

Sa bawat landas na tatahakin sa buhay

Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay

Ako’y mayroong mga natutunan

Mga gintong aral na dapat lang tandaan

Hanggang kaya ko kayoy aawitan

Mga gintong aral aking babahaginan

Katulad ng dapat lamang makinig sa ating mga magulang

Sila’y pabalik na subalit tayo ay papunta pa lang

At kung iyong gustong ikay patawarin

Ikaw ay matuto na magpatawad din

Ang bawat isa ay may patutunguhan

May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan

Sa bawat landas na tatahakin sa buhay

Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay

Marami akong mga natutunan

Mga gintong aral na hindi malimutan

Hanggang kaya ko kay’oy aawitan

Mga gintong aral aking babahaginan

Katulad ng dapat lang lingunin

Ang ating pinanggalingan

Sa kapwa ay huwag mong gagawin

Ang ayaw mong gawin sa iyo

Baka sa awitin ay maintindihan

Ako’y tulungan nyot ating pagsabayang awitin