Florante – Buhay Sa Amerika Lyrics

Florante Lyrics

 

“Buhay Sa Amerika”

Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala

Kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba

At kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa

Ng kung ano-ano basta alam na kikita

Sa dami ng mga binabayarang hulugan

Hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan

Bagay na totoo at hindi kataka-taka

Marami ang ganyan ang buhay sa Amerika

O ang buhay sa Amerika

Hindi laging langit at hindi laging masaya

Lalo na kung malayo sa iyong minamahal

Oras araw buwan taon ay parang mabagal

O ang buhay sa Amerika

Hindi laging langit at hindi laging sagana

Kaya doon sa nangangarap na dito tumira

Isa dalawa tatlong beses na mag-isip muna

Dito’y pauutangin ka hanggang sa mabaon

Susubsob ka sa hanapbuhay para umahon

Inaasahang suweldo kahit gaano kataas

Lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas

Dito’y marami rin nagtatagot tumatakbo

Dahil sa ang papel nila’y hindi pa kumpleto

Mayrong napipilitang ng magpakasal

Kahit na magbayad basta lamang maging legal

O ang buhay sa Amerika

Minsan ay malungkot minsan ay katawa-tawa

At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin

Kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin

O ang buhay sa Amerika

Hindi laging langit at hindi laging maganda

Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan

Mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian

Bayan kong Pilipinas tayo’y kanyang tatanggapin kahit anong oras

Pilipinas kong mahal kita’y hindi maipagpapalit kahit kailan