Florante – Bahay Lyrics

Florante Lyrics

“Bahay”

Sagana na sana’t

Lubos ang ligaya

Sa bahay na ito

Ngunit parang kulang

May bangang puno ng tubig

May bigas na isasaing

Sa paminggalan ay may ulam

Wala na halos suliranin

Itong bahay na kahit pawid

Sagana sa makakain

Nag-iisa sa may bukid

Ligid ng sariwang hangin

Bahay na gawa sa pawid

Nasa lilim ng kawayan

Luntian ang buong paligid

Sa gulay at mga halaman

Itong bahay na kahit pawid

Palaging kaakit-akit

Paligid ay kaibig-ibig

Sa lupa ito ay langit

Sagana na sana’t

Lubos ang ligaya

Sa bahay na ito

Ngunit mayrong kulang

Kulang ng isang tulad mo

Ang munting bahay na ito

Upang maging isang palasyo

Kulang ng isang tulad mo

Ang munting bahay na ito

Upang maging isang palasyo

Kulang ng isang tulad mo

Ang munting bahay na ito

Upang maging isang palasyo