Florante – Ako'y Tao Lyrics

Florante Lyrics

“Ako’y Tao”

Iisipin ng iba na ako’y abang-aba

Dahil sa kasuotan kong ito

Ang pantalon ko’y may butas

Ang laylayan ay tastas

May tagpi ang kupas na polo ko

At kung ito’y sanhi upang kasuklaman

Ako’y huwag naman sanang ipagtabuyan

‘Pagkat ako’y tao na may buto’t laman

Tulad nila sa daigdig ay may karapatan

Sasabihin ng iba na ako’y isang mangmang

Dahil ang naabot ko’y mababa lang

Iisa ang diploma marka’y pasang awa pa

Nakamit sa isang mababang paaralan

At kung ito’y sanhi upang kasuklaman

Ako’y huwag naman sanang ipagtabuyan

‘Pagkat ako’y tao na may buto’t laman

Tulad nila sa daigdig ay may karapatan

May dugo at may laman may puso at isipan

Ako’y tao na mayrong pakiramdam

Kahit na ina-aba at ituring pang mangmang

Ako’y tao na walang pakialam

At kung ito’y sanhi upang kasuklaman

Ako’y huwag naman sanang ipagtabuyan

‘Pagkat ako’y taong husto ang isipan

Tulad nila sa daigdïg ay may karapatan