Florante – Ako Lyrics

Florante Lyrics

“Ako”

Nang ako ay dumating dito sa bayan mo

Ang kasama ko ay kombo

Mayro’ng anim na buwan kaming nagkalampagan

Ng aming gamit sa pagtugtog

Subalit may kontrata kaming pinirmahan

At 11 buwan kaming nagkalampagan sa Japan

Ako ay bumalik dito sa Pilipinas

‘Pagkat ang kombo ko ay nalansag

Ngunit hindi inabot nang ganoong katagal

May bagong kombo akong itinatag

Kay husay, oh, ang galing, marami ang humanga

Ngunit ang miyembro’y nagsiyabang at kami ay nagkasira

May dahilan ba ‘kong mag-solo?

Wala akong problema sa miyembro

Kahit ano’ng oras mag-ensayo

Garantisadong walang obligado

Dito sa bayan mo, ako ay nakilala

Sa paggigitara at pagkanta

Walang dramista, organista o bahista

Ako sa pagtugtog ay nag-iisa

Kung minsan ay namamalat, ang boses ko’y pumipiyak

Kaya’t pasensiya na kayo dito sa boses kong basag

May dahilan ba ‘kong mag-solo?

Wala akong problema sa miyembro

Kahit anong oras mag-ensayo

Garantisadong walang obligado

Kung minsan ay namamalat, ang boses ko’y pumipiyak

Ngunit ako ay maligaya kung kayo’y pumapalakpak