Eraserheads – Sembreak Lyrics

Eraserheads Lyrics

“Sembreak”

Dear Kim kamustang bakasyon mo

Ako heto pa rin nababato

Bad trip talaga ‘tong Meralco

Bakit brownout pa rin dito

Walang silbi sa bahay

Kundi bumabad sa telepono

O kaya’y kasama ng barkada

Nakatambay sa may kanto

Naalala kita pag umuulan (sembreak)

Naalala kita pag giniginaw (sembreak)

Naalala kita pag kakain na (sembreak)

Naalala kita ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita

Ako’y naiinip na bawa’t oras binibilang

Sabik na masilayan ka ha ha ah

Sira pa rin ang bisikleta

May gas wala namang kotse

Naghihintay ng ulan

Basketball sa banyo

Sana ay may pasok na para at least

Meron na kong baon

Cutting classes dating raket

Rock and roll buong taon

Naalala kita pag umuulan (sembreak)

Naalala kita pag giniginaw (sembreak)

Naalala kita pag kakain na (sembreak)

Naalala kita ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita

Ako’y naiinip na bawa’t oras binibilang

Sabik na masilayan ka ha ha ah

Walang kayakap kundi gitara

Nangangati sa kaiisip sa ‘yo

Hanggang sa mabutas ‘tong maong ko

Tsaka bibili uli ng bago

Hanggang dito na lang ang liham ko

Salamat sa atensyon mo

Tsaka na lang pala yun utang ko

Pag nakagkita na lang uli tayo oh woh

Naalala kita pag umuulan (sembreak)

Naalala kita pag giniginaw (sembreak)

Naalala kita pag kakain na (sembreak)

Naalala kita ilang bukas pa ba

Bago tayo ay magkita

Ako’y naiinip na bawa’t oras binibilang

Sabik na masilayan ka ha ha ah

Naalala kita (sembreak)

Naalala kita (sembreak)

Naalala kita (sembreak)

Naalala kita (sembreak)

Naalala kita (sembreak)

Naalala kita naalala kita naalala kita