Eraserheads Lyrics
“Pare Ko”
Pare ko, mayro’n akong problema
‘Wag mong sabihing “Na naman?”
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
‘Wag na nating idaan sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap, kami’y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
‘Yun pala, hanggang do’n lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso, ‘tsaka ka n’ya gagaguhin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
‘Di ba? ‘Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa n’ya lang ako, letseng pag-ibig ‘to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh-oh-oh, whoa-oh-oh
Sabi n’ya, ayaw n’ya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
‘Di nagtagal, naging gano’n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot n’ya
Bakit ba ang labo n’ya? ‘Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay? Ako ay nabuburat na
Pero minamahal ko s’ya
‘Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
Oh, pare ko (oh, pare ko), mayro’n ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang (kung wala ay okay lang)
Kailangan lang ay (kailangan lang) ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso, ‘tsaka ka n’ya gagaguhin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
‘Di ba? ‘Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa n’ya lang ako, letseng pag-ibig ‘to
Diyos ko, ano ba naman ito?
‘Di ba? ‘Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa n’ya lang ako, letseng pag-ibig ‘to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh-oh-oh, whoa-oh-oh
Oh, oh-oh, whoa-oh-oh