Easter Songs – Songs for Easter (2023)

easter songs

Ang Pasko ng Pagkabuhay para sa taong 2023 ay ipinagdiriwang/ ipinagdiriwang sa Linggo, ika 9 ng Abril.

Ang Easter Sunday o Pascha ay isa sa mga pinakamahalagang araw sa pananampalatayang Kristiyano na ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesu Kristo mula sa mga patay ayon sa Bagong Tipan. Ang Easter Triduum o Paschal Triduum ay nagsisimula sa gabi ng Huwebes ng Maundy kasama ang huling hapunan na nagpapatuloy hanggang Biyernes Santo at ang pagpapako sa krus at libing ni Hesukristo sa Banal na Sabado at nagtatapos sa mga panalangin sa gabi ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang araw ay ang pagsisimula ng panahon ng Pasko ng Pagkabuhay at ang pagtatapos ng Kuwaresma (40 araw ng pag aayuno at panalangin simula sa Miyerkules ng Abo na nagtatapos sa Sabado Santo) at Holy Week na nagsimula sa Linggo ng Palaspas at tumatagal ng 7 araw hanggang sa Sabado Santo. Kahit na ito ay hindi isang pederal na holiday ng US, maraming mga tindahan ang sarado o nagpapatakbo ng mga minimal na oras sa araw na ito.

Isang instant lineup ng mga awiting masa para sa Pasko ng Pagkabuhay ng Himig Heswita & Friends, Bukas Palad, Hangad at C5 (Canto Cinco) .

Tracks:

  1. Ito Ang Bagong Araw
  2. Tubig ng Buhay
  3. Papuri Sa Diyos
  4. Ito Ang Araw
  5. Aleluya
  6. Christify
  7. Santo
  8. Si Kristo ay Gunitain
  9. Dakilang Amen
  10. Doxology & Amen
  11. Ama Namin & Sapagkat sa ‘Yo Ang Kaharian
  12. Kordero ng Diyos
  13. Children of Easter Morn
  14. Humayo’t Ihayag

Ito ang bagong araw

Danilo B. Isidro, SJ
Felipe Fruto L. Ramirez, SJ
Ito ang bagong araw,ito’y araw ng tagumpay;
Anak ng tao’y nabuhay,Siya’y ating parangalan.
Si Hesus muling nabuhay,sa kamataya’y nagtagumpay.
Magalak,h’wag nang lumuha,hinango ang tao sa sala,
Kristo Hesus,tunay Kang Hari,kami sa ‘Yo’y nagpupuri.
Sa krus,Ika’y namatay,ngunit muli Kang nabuhay.
Aleluya,Aleluya!

Tubig ng Buhay

KORO
Tubig ng buhay
Paglalakbay patungo sa bagong buhay
O Hesukristo, aming gabay
Basbasan Mo ang aming alay
Bukal ng liwanag
Nagbibigay ilaw sa mga bulag
Kami’y lumalapit sa Iyong batis
Upang makakita (KORO)
Bukal ng pag-ibig
Nagbibigay kulay sa buong daigdig
Kami’y lumalapit sa Iyong batis
Upang magmahal (KORO)
Bukal ng pag-asa
Nagbibigay buhay sa nagkasala
Kami’y lumalapit sa Iyong batis
Upang mangarap pa (KORO)

Papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa’y kapayapaan, at sa lupa’y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking Kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka, maawa Ka sa amin
Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan
Ikaw lamang, oh Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
Ng Diyos Ama, Amen
Ng Diyos Ama, Amen
Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Ito Ang Araw

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Butihin S’ya, Kanyang gawa’y walang-hanggan
Sabihin ng sambayanan ng Isarael
“Walang-hanggan, Kan’yang awa!”
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak
Kanang kamay ng Diyos sa ‘ki’y humango
Ang bisig N’ya sa ‘kin ang tagapagtanggol
Ako’y hindi mapapahamak kailanman
Ipahahayag ko, luwalhati N’ya
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak
Ang aking Panginoon, moog ng buhay
S’ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo.
Kahanga-hanga sa aming mga mata
Gawain N’ya, purihin S’ya
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak

Christify

Christify the gifts we bring to You,
bounty of the earth receive anew.
Take and bless the work of our hands.
Christify these gifts at Your command.
Sun and moon and earth and wind and rain:
all the world’s contained in every grain.
All the toil and dreams of humankind,
all we are we bring as bread and wine.
Turn the bread and wine, our hearts implore,
to the living presence of the Lord.
Blessed and broken, shared with all in need;
all our hungers, sacred bread will feed.
With this bread and wine You Christify,
now our deepest thirst You satisfy.
We who by this bread You sanctify
draw the world for You to Christify.

Santo

Santo, santo, santo
Panginoong Diyos
Napupuno ang langit at lupa
Ng kadakilaan Mo
Osana, osana, osana
Sa kaitaasan
Osana, osana, osana
Sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana, osana, osana
Sa kaitaasan
Osana, osana, osana
Sa kaitaasan

Si Kristo ay Gunitain

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating

Dakilang Amen

Sa pamamagitan ni Kristo,
Kasama Niya at sa Kanya
Ang lahat ng parangal at papuri
Ay sa Iyo, Diyos Amang
Makapangyarihan,
Kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan
Amen, Amen, Amen
Amen, Aleluya
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos
Amen, Aleluya
Amen, Amen, Amen
Amen, Aleluya

Ama Namin / Sapagkat sa ‘Yo ang Kaharian

Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo po kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami
Sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa “Yo ang kaharian, kapangyarihan at kapurihan!
Ngayon at magpakailanman! Ngayon at magpakailanman!

Kordero ng Diyos

Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, maawa Ka
Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, maawa Ka
Kordero ng Diyos na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin (ipagkaloob Mo)
Ang kapayapaan (ang kapayapaan)

Children of Easter Morn

We are the children of Easter morning
We sing to celebrate our new lives
The dawn of an eternal morning
The fulfillment of our ageless desires
We sing with joy in our hearts overflowing
We sing to beckon those who dwell in the dark
We’ll keep on singing till all men celebrate
This Easter morn
We are the children of Easter morning
We sing to proclaim the Lord’s might
Now there’s meaning to our life of dying
For the Lord, our God, has conquered the night
With joy we dedicate our lives to the service
Of the God of Life whose goodness we’ve known
Until our lives be themselves our song of Easter morn
May our simple lives be a song of praise
To the goodness of the Lord
May the Lord delight in this song we sing
This song we live with joy
If we had to sing just one song
To the Lord, Creator of life
May our lives be that song resounding in praise
To the goodness and glory of God

Humayo’t Ihayag

Humayo’t ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Dios na sa krus ni Hesus
Ang Syang sa mundoy tumubos
Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios sa tanan
(Aleluya)
Halina’t sumayaw (buong bayan)
Lukso sabay sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin ‘sing ningning ng bituin
Liwanag ng Dios sumaatin
Langit at lupa Siya’y papurihan
Araw at tala Siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios sa tanan
(Aleluya)
At isigaw sa lahat
Kalinga niya’y wagas
Kayong dukha’t salat
Pag-ibig niya sa inyo ay tapat
Humayo’t ihayag (purihin siya)
At ating ibunyag (awitan siya)
Pagliligtas ng dios na sa krus ni hesus
Ang syang sa mundoy tumubos
Langit at lupa siya’y papurihan
Araw at tala siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios sa tanan
Halina’t sumayaw (buong bayan)
Lukso sabay sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan niyang angkin ‘sing ningning ng bituin
Liwanag ng dios sumaatin
Langit at lupa siya’y papurihan
Araw at tala siya’y parangalan
Langit at lupa siya’y papurihan
Araw at tala siya’y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios
Ating pagdiwang pag-ibig ng dios sa tanan
(Aleluya)
Aleluya, aleluya, aleluya!

Related