DJ Alvaro – Payo Lyrics

DJ Alvaro Lyrics

“Payo”

Minsan ay nasabi ng aking lola

Ang buhay kung tingnan ay mahiwaga

Pati na rin ang oras ‘di makuha

At ang umpisa ay tapos na

Lipad nang lipad ang ibong kayganda

Bulaklak na makulay sa mata

Dinggin ang himig ng hanging malamyos

Tingnan ang lupa sagana sa ating pagod

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay ‘di maghihintay sa ‘yo

Bigyan ng daan ang diwa nino man

Pagka’t ito’y mula sa hinog na isipan

Sa kinalyong buhat sa lansangan

Sila ay kailangan ring pakinggan

Ipagdiwang ang buhay na daratal

Ito’y likha isang kababalaghan

At ito’y hindi sa ‘yo lamang

Ngunit para sa taong nasa kapaligiran

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay ‘di maghihintay sa ‘yo

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay ‘di maghihintay sa ‘yo

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay ‘di maghihintay sa ‘yo

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay ‘di maghihintay sa ‘yo