“Dedma”

 by Abra and Julie Anne San Jose


Bakit hindi ko maintindihan?

Sino ba at nasaan? Ha?

Ano siya, anito? Superhero? Tagarito ba? O baka tagabuwan

Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao? O? Kaligtaran, tulad ni Adan?

Yung totoo ‘di mo alam

Ayaw maki-alam o wala ka lang pakialam…

Andami nang namamatay, pumapatay nagpapakamatay at nabubuhay sa mali

Mga bata’y, nadadamay, sa mga away…

Ang gulo na ng mundo na kulang sa pamsin

Puro pa gera, dulot ng pera nakakalungkot

Ba’t ba ka ba ubod ng dedma?

Punyeta! retreat sa kweba oras na ma-Sodom at Gomorrah

‘Tong buong planeta, teka

Kayrami nang tukso nand’yan at lalapit sa’yo

Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay

Sa pagitan ng dilim at ng liwanag

Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Pa’no kung walang kabilang buhay?

Pa’no niyo kami matutubos?

Pa’no kung wala pa ring patunay

At yun ay kasi wala naman talgang Diyos?

Na bwakaw magpasamba

Kung ayaw mo daw mananalanta

Pero ganu’n pa rin naman kahit magdasal ka

Tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal siya

Nasa’n na ba kasi ‘yung ebidensya?

Mukhang natakpan ng piring ang sistema

Mga pruweba ng primitibong siyensya

Mahirap tanggapin na para ding penitensya

Sentensiya, sa mga mapang-abuso

Kontrolado utak kapagka hawak ang puso

Punto, sa’n patungo ang relihiyon?

Sa katapusan ba ng mundo o sa Panginoon?

Bakit gano’n?

Kayrami nang tukso nand’yan at lalapit sa’yo

Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay

Sa pagitan ng dilim at ng liwanag

Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Minsan, ‘di natin nababatid ang kamalian ng lahat

Na siyang kay hirap tanggapin

At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama

Ang tanong, bakit yata parang deadma yung iba?

Nasaan? Nasaan ang kaligtasan?

Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?

Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal

Halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasnan

Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?

Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?

May kaluluwa po ba talaga yung katawan?

O kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan?

Kailangan ko ng bendisyon

Maliwanagan parang Thomas Edison

Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko

‘Di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon

Kasi imposibleng inimbento ka lang

Sino ang arkitekto? Sikreto na lang

Perpekto lahat p’wera tao disenyo pa lang ang tanong

Bakit gano’n? Yan ang pala isipan

Kayrami nang tukso nand’yan at lalapit sa’yo

Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay

Sa pagitan ng dilim at ng liwanag

Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan