Darwen Navarro – Kahit Na Mali Lyrics

Darwen Navarro Lyrics

“Kahit Na Mali”

Ang dami kong gustong sabihin

Kung sana’y pwede pang ulitin

Ngunit labag sa kanyang kalooban

Ang pagmamahal nang masinsinan

Lumayo at natakot

Nawala nang tuluyan

Hindi makapaniwalang

Nagawa ang ‘di inaasahan

Mahalin mo ako

Kahit sandali, kahit na mali

Kahit iba ang iyong pinili

Maghihintay pa rin, kahit na mali

Hindi sinasadyang magustuhan

Nagkataong ako’y nilapitan

Ngunit walang alam sa inyong pagmamahalan

Nasira ang pagsasamahan

Kaya nawala ang tiwala

Bumalik sa may sala

Humingi ng pasensya

At iniwan akong mag-isa

Mahalin mo ako

Kahit sandali, kahit na mali

Kahit iba ang iyong pinili

Maghihintay pa rin, kahit na mali

Mahalin

Mahalin mo ako

Mahalin

Mahalin mo ako

Mahalin

Mahalin mo ako

Mahalin

Mahalin mo ako

Umalis nang walang sabi

Sinisi ang sarili

Huling beses sasabihin

At ‘di na muling pipilitin

Mahalin mo ako

Kahit sandali, kahit na mali

Kahit iba ang iyong pinili

Maghihintay pa rin, kahit na mali