Daniel Padilla – Pagsubok Lyrics

Daniel Padilla Lyrics

“Pagsubok”

Isip mo’y litong-lito

Sa mga panahong nais mong malimot

Bakit ba bumabalakid

Ang iyong mundong ginagalawan?

Ang buhay ay sadyang gan’yan

Sulirani’y ‘di mapigilan

Itanim mo lang sa iyong pusong

Kaya mo yan

Pagkabigo’t alinlangan

Gumugulo sa isipan

Mga pagsubok lamang ‘yan

‘Wag mong itigil ang laban

‘Wag mong isuko at ‘yong labanan

‘Wag mong isiping ikaw lamang

Ang may madilim na kapalaran

Ika’y hindi tatalikuran

Ng ating Ama na S’yang lumikha

‘Di lang ikaw ang nagdurusa

At hindi lang ikaw ang lumuluha

Pasakit mo’y may katapusan

Kaya mo ‘yan

Pagkabigo’t alinlangan

Gumugulo sa isipan

Mga pagsubok lamang ‘yan

‘Wag mong itigil ang laban

‘Wag mong isuko at ‘yong labanan

Hindi lang ikaw ang nagdurusa

At hindi lang ikaw ang lumuluha

Pasakit mo’y may katapusan

Kaya mo ‘yan

Pagkabigo’t alinlangan

Gumugulo sa isipan

Mga pagsubok lamang ‘yan

‘Wag mong itigil ang laban

Oh, la-la-la-la-la-la-la, yeah

‘Wag mong isuko at ‘yong labanan

‘Wag mong isuko at ‘yong labanan

Pagkabigo’t alinlangan

Gumugulo sa isipan

Mga pagsubok lamang ‘yan

‘Wag mong isuko ang laban