Brownman Revival – Lahat Ng Araw Lyrics

Brownman Revival Lyrics

“Lahat Ng Araw”

Silayan at bigyan ng pag-asa

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Kamusta binibini

Pakinggan ang isang awit na ‘sing tamis ng kundiman

Nung una kang makilala ako’y napuno ng buhay

Paggising ko sa umaga ikaw ang laman ng isip

Ikaw ang tunay na kulay ng buhay mapungay ang mga mata

At bilang isang makata inaalayan kita ng matamis na salita

‘Sing tamis ng iyong mukha

‘Sing tamis ng iyong ngiti

‘Sing kinis ng iyong binti

‘Di mapigilan ang damdamin

Tulalata’t nakatunganga

T’wing nakikita kita nakanganga aking bunganga

Humahanga sa taglay mong ganda

Asahang pangarap nitong buhay

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Iwasan ang iyong alinlangan

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan

Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa ‘yo hirang

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Silayan at bigyan ng pag-asa

Pagmamahal pusong nagdurusa

Iwasan ang pag-aalinlangan

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan

Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa ‘yo hirang

Lahat ng araw kita’y mamahalin

Pakinggan mo ang bawat letra ng pag-ibig

Na binibigkas ng aking bibig

Ang ibig ang ay nais na makapiling ka sa habang buhay

Sumabay sumayaw sa tono ng aking harana

Makulay at tunay at walang bahid ng biro

Dungawin ‘wag nang magpaligoy-ligoy

Halimuyak ng parang simoy ng sampung libong bulaklak sa hangin

Habang buhay kitang mamahalin

Sa lahat ng araw habang buhay kang mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan

Itangi yaring pagmamahal oh

Silayan at bigyan ng pag-asa

Pagmamahal pusong nagdurusa

Iwasan ang pag-aalinlangan

Lahat ng araw kita’y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Sa labi ng himbing kamatayan

Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa ‘yo lamang

Lahat ng araw kita’y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Lahat ng araw kita’y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Lahat ng araw kita’y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)