Brownman Revival – Bitin Lyrics

Brownman Revival Lyrics

“Bitin”

Makuha sa isang tingin

Pambihirang ganda, kay hirap hagilapin

Sinabi mo, interesado ka rin

Makipagkilala sa akin

Pero bakit ganyan? Bakit naman?

Tuwing kakausapin o yayayain ka

Laging nangangat’wiran na busy ka

Oh, ah-ah-ah-ah, naiwan sa hangin (naiwan sa hangin)

Damdamin kong bitin na bitin

Oh, ah-ah-ah-ah, naiwan sa hangin (naiwan sa hangin)

Damdamin kong bitin na bitin

Ilang beses na itong nangyari

Daig pa ang dami ng mga daliri

Mga pagkakataon na kasama s’ya

Wala nang iba kundi kaming dalawa

Pero bakit ganyan? Bakit naman?

Bumibilis ang oras at inuumaga na

Matapos kang pakainin ay lalayas ka na

Oh, ah-ah-ah-ah, naiwan sa hangin (naiwan sa hangin)

Damdamin kong bitin na bitin

Oh, ah-ah-ah-ah, naiwan sa hangin (naiwan sa hangin)

Damdamin kong bitin na bitin

Magpapatawag ka pero cannot be reached ka

Mahal naman kita ngunit ano ba talaga?

Sagutin mo, ‘wag mo akong bigla na lang…

Oh, ah-ah-ah-ah, iiwan sa hangin (iiwan sa hangin)

Damdamin ko’y iyong binibitin

Oh, ah-ah-ah-ah, naiwan sa hangin (naiwan sa hangin)

Damdamin kong bitin na bitin

Kulang na kulang, bitin na bitin

Kulang na kulang, bitin na bitin