Blakdyak – In Lab lyrics

Blakdyak Lyrics

“In Lab”

Alam mo

Sobra-sobra na talaga ang paghanga ko sa ‘yo

Tagus-tagusan hanggang buto

Pero wala akong magawa

Isa kasi akong torpe

Ako’y talagang ‘di mapakali

Sa beauty mong napakatindi

Sa t’wing ika’y aking nakikita

Halos niyayanig ang buo kong katawan

Hindi malaman kung ano ang gagawin

Halos magkandaduling sa katitingin

Ganyan katindi ang dating mo sa akin

Kaya’t sana’y pansinin ang aking lambing

Segu-segundo, minu-minuto, oras-oras

Araw-araw, gabi-gabi, linggo-linggo

Buwan-buwan, taon-taon

Tapos na ang Pasko

Kailan ba ang anibersaryo?

Ay naku!

Kapag ika’y wala sa aking paningin

Hindi ko malaman kung ano’ng gagawin

Ang pakiramdam ko’y parang lantang gulay

At alam kong ikaw lamang ang aking buhay

Dahil ako’y talagang ‘di mapakali

Sa beauty mong napakatindi

Sa t’wing ika’y aking nakikita

Halos niyayanig ang buo kong katawan

At kung sakali mang ako’y ibigin mo

Ibibigay ko ang lahat ng iyong gusto

Basta’t makita ko lamang na maligaya ka

Ito’y malaking kasiyahan sa aking buhay

Dahil ako’y talagang ‘di mapakali

Sa beauty mong napakatindi

Sa t’wing ika’y aking nakikita

Halos niyayanig ang buo kong katawan

Dahil ako’y talagang ‘di mapakali

Sa beauty mong napakatindi

Sa t’wing ika’y aking nakikita

Halos niyayanig ang buo kong katawan