Ben&Ben – Lunod Lyrics

Ben&Ben Lyrics

“Lunod”

Nalulunod sa pangangamba puno na ang baga pasuko ka na

Sa’n ka kakapit kung malalim na ang sabi ay arte lang yan (oh)

Nalulunod sa pangangamba ‘di mo alam kung may pangtustos pa

Nagkaubusan na ng pang-medisina ang sabi’y bahala ka na

Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba sana’y makaahon ka pagka’t kailangan ka nila
Nalulunod sa pangangamba mga parusang ‘di humuhupa

Sa’n ka kakapit kung malalim na ang sabi’y mababaw lang ‘yan

Ang pagkakalunod ay nararanasan ng iba sana’y makaahon ka pagka’t kailangan ka nila (nararanasan ng iba)
Nalulunod sa pangangamba dahan-dahan ako’y lalangoy na

Sisisirin hanggang makarating ka sa ginhawang itinadhana

Sa ginhawang itinadhana ‘di na muling malulunod pa (oh oh oh)