“Kapangyarihan”
Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo sino ba kayo
‘Di naman kami nagkulang sa aming pag-uunawa
‘Di ka namin isusuka kung hindi ka pa sukdulan
Huwag niyong tapakan ang katarungan
Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat nagsisilbi ka dapat
‘Di ba dapat ikaw ang nagsisilbi sa’min bakit tila kami’y nananaginip nang gising
Ang bawat pighati na dala dagdag bigat damdamin
Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata niyo’y mamulat
Magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa niyong magsilbi sa amin
Tuluyang nawalan ng bisa
Ba’t sinaulo’t ‘di sinapuso bilang ng buhay ng tao
Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
‘Wag niyong kalilimutan na hawak-hawak namin ang inyong trono
Nadidinig n’yo pa ba ‘ko pangako’y napako dahil sa korona sa ulo niyo
‘Di na magpapaalipin pa sa mga rehas mo
‘Di mabubuwag ng kahit anumang sindak ang katotohanang ‘to
Ibon na malayang lumipad ‘di mo na makukulong
Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan ang kadiliman ay ibabagsak
Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo sino ba kayo
Magwawagi ang katotohanan ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat nagsisilbi ka dapat
Katotohanan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
Makatarungan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
Nagsisilbi ka dapat nagsisilbi ka dapat