Ben&Ben – Ilang Tulog Na Lang Lyrics

Ben&Ben Lyrics

“Ilang Tulog Na Lang”

Ang ‘yong bisig ang sandalan

Pag nangangawit na

Ang walang hintong isipan

Ang ‘yong tinig ang takbuhan

Kapag walang ibang gustong mapakinggan

Ikaw ang aking palagi

Ako’y iyong kakampi (kakampi)

At kung sa hirap ay aabutin

Basta ba’t magkatabi

Bukas ang sulat ko’y iaabot laman nito’y ‘wag ilagay sa limot

Kalawakan ko ang ‘yong kamay

Bukas ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa ‘yo oh irog

At mga diwa natin ay hindi na mawawalay hmm

Ikaw ang aking (ikaw nga) katahimikan (tahimik)

Kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan (oh oh oh oh)

Kahit nga ang (kahit nga ang) kadiliman (kadiliman)

Kapag ikaw na ang ngumiti matatabunan (oh oh oh)

Bukas ang sulat ko’y iaabot laman nito’y ‘wag ilagay sa limot

Kalawakan ko ang ‘yong kamay (hayya ya yay)

Bukas ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa ‘yo oh irog

At mga diwa natin ay hindi na mawawalay hmm

Matatapos din ang pangungulila kong ito (hu pangungulila)

Ilang tulog na lamang ang bibilangin ko

Sulat ko’y iaabot laman nito’y ‘wag ilagay sa limot

Kalawakan ko ang ‘yong kamay (hayya ya ya yay ha)

Bukas ang sampaguita kong napulot ay ibibigay sa ‘yo oh irog

At mga diwa natin ay (at mga diwa natin ay ay)

Mga puso natin ay hindi na mawawalay

Oh

Oh

Oh