Ben&Ben – Bibingka Lyrics

Ben&Ben Lyrics

Bibingka”

Simbang Gabi na naman

Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan

Ang simoy ng hangin, dahan-dahan na humahaplos

Sa mukha ng bawat tao

Bumabagsak-bagsak pa ang mata

Dahan-dahang kumislap

Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan

Kung sa’n magkasama tayong nagdasal

At nakinig sa Misa de Gallo

Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto

Nang magkahawak ang ating mga kamay

Humawi’ng mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit

At nang unang gabi ng Pasko’y sumapit

Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin

Ang sabi nila (ang sabi nila)

Ang sabi nila

At pagkatapos magsimba

Habang hinahatid kita sa ‘yong tahanan

Parang walang katapusan ang ating kuwentuhan

Tungkol sa mga buhay ng isa’t isa

Ako’y nahalina

Nang mapadaan tayo do’n sa may tindahan

Humawi’ng mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit

At nang unang gabi ng Pasko’y sumapit

Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin

Ang sabi nila (ang sabi nila)

Ang sabi nila

Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi

Ang sabi ko sa sarili, baka ito na’ng huli

Pero mula no’ng unang Ama Namin

Na ang ‘yong kamay ay hinawakan

‘Di mo na binitawan

Nagsiawit ang mga anghel sa langit

At nang unang gabi ng Pasko’y sumapit

Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin

Ang sabi nila (ang sabi nila)

Ang sabi nila (ang sabi nila)

Oh, ang sabi nila

Ang sabi nila, bilhan mo na siya ng bibingka

Dahil ikaw na ang aking tadhana

Bilhan mo na siya ng bibingka

Dahil ikaw na ang aking tadhana