Basil Valdez – Sana ay Ikaw Na Nga Lyrics

Basil Valdez Lyrics

“Sana ay Ikaw Na Nga”

Ano’ng kailangan kong gawin

Upang malaman mo, ikaw ay minamahal ko?

Kailangan ko’y katulad mo sa buhay kong ito

Nag-iisa lang sa mundo

Dati’y nasaktan na ‘ko, takot nang magtiwala

Ayoko na sanang umibig pa

Ngunit ika’y ibang-iba sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga

Ano’ng kailangan kong gawin

Upang matigil na ang kabaliwan kong ito?

Sumpa ko sa sarili’y hinding-hinding hindi na

Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil pa at ‘di na paaawat

Sinisigaw na ang pangalan mo

Ikaw talaga’y ibang-iba sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga

Ano’ng kailangan kong gawin

Upang matigil na ang kabaliwan kong ito?

Sumpa ko sa sarili, hinding-hindi hindi na

Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil pa at ‘di na paaawat

Sinisigaw na ang pangalan mo

Ikaw talaga’y ibang-iba sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga

Sana ay ikaw na nga