Basil Valdez – Ngayon Lyrics

Basil Valdez Lyrics

“Ngayon”

Ah oh
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay

Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay

Ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay

Bawat saglit at sandali

Magsikap ka’t magpunyagi

Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon (kahapon)

Ang pagkakataon sana’y huwag itapon (oh)

Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon

Baka ika’y mapalingon

Sa nagdaang bawat ngayon

Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang (ituring mong kahapo’y waring panaginip lang)

Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang (ah ganda’y sa isip lang)

Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang (ah)

Kayganda ng buhay ngayon (kayganda ng buhay ngayon)

Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)

Mahigpit man ang kapit (kapit)

May bukas na sa yo’y di na rin sasapit (oh)

Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit

Masasabi mong kahit na

Ang bukas di sumapit pa

Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang (ituring mong kahapo’y waring panaginip lang)

Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang (ah ganda’y sa isip lang)

Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang (ah)

Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)

Bukas mo’y matibay (bukas mo’y matibay)

Dahil ang sandiga’y ngayon (dahil ang sandiga’y ngayon)

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang (ituring mong kahapo’y waring panaginip lang)

Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang (ah n’yang ganda’y sa isip lang)

Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay sulit lang (ah)

Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)

Bukas mo’y matibay (bukas mo’y matibay)

Dahil ang sandiga’y ngayon (dahil ang sandiga’y ngayon)