Basil Valdez – Nais Ko Lyrics

Basil Valdez Lyrics

“Nais Ko”

Nais kong maihip

Ng hanging walang patutung’han

Parang ibong wala ring hangarin

Kung ‘di ang lumipad nang lumipad

Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon

Saan man mapadpad

Kahit na isdang mumuntiin

Hangari’y lumangoy nang lumangoy

Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan

Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan

Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang

Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay

Nais ko, nais ko

Nais kong maulit ang buhay

Kung may pagkakataon

Upang mamalas ang mga bagay-bagay

Na ‘di ko natanto sa aking buhay

Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko

Nais kong maihip

Ng hanging walang patutung’han

Parang ibong wala ring hangarin

Kung ‘di ang lumipad nang lumipad

Nais kong lumipad

Nais kong malibot ang mundo sa kan’yang kasuluk-sulukan

Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan

Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang

Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay

Nais ko, nais ko

Nais kong maulit ang buhay

Kung may pagkakataon

Upang mamalas ang mga bagay-bagay

Na ‘di ko natanto sa aking buhay

Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko

Nais kong mabuhay muli

(Nais ko) Nais kong maulit muli

Ulitin muli, ulitin muli, paulit-ulit, ulit muli

(Nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)

Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)

Nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)

Ito ang nais ko (nais kong ibalik, paulit-ulit, ulit muli)