Basil Valdez – Muling Buksan ang Puso Lyrics

Basil Valdez Lyrics

“Muling Buksan ang Puso”

Walang hindi man lang dumanas kailanman

Magmahal nang tapat at ‘di man lamang nasaktan

‘Yan ay sadyang bahagi ng karanasan

Minsa’y nadarapa, paano mapaggagapang

Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan

Muling buksan ang pusong minsa’y nagtampo

Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo

Walang hapding mananatiling nasa’yo

Basta’t limutin mo ano mang sakit nito

At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo

Alalahanin mong ang buhay nati’y minsan lang

Dusa’t ligaya’y kakambal ng nilalang

Mahigpit mong hawakan ang ligaya’t sayang

Kung umalis ito’y hindi magbabalik muli

Kaya’t buksan ang puso at yakapin mo

Ang kasawian man kung ‘yan ang natakda sa’yo

Bukas magugulat ka pa paggising mo

Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo

‘Di ba’t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Alalahanin mong ang buhay nati’y minsan lang

Dusa’t ligaya’y kakambal ng nilalang

Mahigpit mong hawakan ang ligaya’t sayang

Kung umalis ito’y hindi magbabalik muli

Kaya’t buksan ang puso at yakapin mo

Ang kasawian man kung ‘yan ang natakda sa ‘yo

Bukas magugulat ka pa paggising mo

Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo

‘Di ba’t bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso

Kung nasaktan ka man, ‘yan din ay magdaraan

Puso’y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan