Basil Valdez – Kahit Ako'y Lupa Lyrics

Basil Valdez Lyrics

“Kahit Ako’y Lupa”

‘Wag mong pagtakhan kung bakit ako’y sadyang ganito

Mababa man sa ‘yong tingin ngunit ako’y ako

‘Di ako ang kailanma’y tumitingala

At luluhod o hihingi ng awa

Kaya ko ang mundo kahit ako’y ‘sang dukha

Ako’y ako pa rin kahit ako ay lupa

Wala akong taong binabathala

Na sasagabal sa taglay kong laya

Alam kong ngumiti, alam ko rin ang lumuha

Basta’t ako’y ako kahit ako ay lupa

Magbabago ang halos ay kahit ano

Magbabago ngunit kailanma’y ‘di ako

Magbabago ang panahon sa pagtakbo

Ngunit hindi kailan pa man ang taglay kong paninindigan

Mababa man akong tingnan, lupa at tapakan

Lupa man ngunit may pang-unawa

Sa katulad kong kaawa-awa

May pangarap akong hindi ninyo makukutya

Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

Magbabago ang panahon sa pagtakbo

Ngunit hindi kailan pa man (kailan pa man) ang taglay kong paninindigan

Mababa man akong tingnan, lupa at tapakan

Lupa man ngunit may pang-unawa

Sa katulad kong kaawa-awa

May pangarap akong hindi ninyo makukutya

Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

Maging mapagmahal kahit ako ay lupa