“Balong Malalim”

Gusto n’yang mag-swimming

Sa balong malalim

Hindi naman pupuwede

Sapagka’t madilim

Nguni’t kung may ilaw

Akala mo’y langaw

Gusto pang kumain

Kumain nang kumain

Hindi naman nabubusog

Sa kan’yang kinain

Hindi n’ya naiisip

‘Yun ang hindi sa akin

Sige pa nang sige

Kahit na dumudumi

Ang isipan ng tao

Oh, dito sa mundong ito

Wala na na bang remedyo

Ang ating mga ulo?

Oh, wala na bang remedyo

Ang ating mga ulo?

Oh, wala na bang remedyo

Ang ating mga ulo?