Asin – Gising Kaibigan Lyrics

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita

Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa

Kalagan na ang tali sa paa

Imulat na ang ‘yong mga mata

Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata

May mga taong tinatalian sariling kamay at paa

Problema’y tinatalikdan

Salamin sa mata’y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo na’t kung ika’y gising

Tanghali’y maligaya kung ika’y may makakain

Ang gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ay kapiling

Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko

Ganda ng buhay ay nasa sa ‘yo

Ang oras daw ay ginto

Kinakalawang lang ‘pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago

Kailan ka pa matututo

Ang lahat ng ilog sa dagat patungo

Buksan ang isipan at mararating mo

Kay ganda ng buhay sa mundo

Related