Lapit, mga kaibigan at makinig kayo
Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Ang lupang pinanggalingan ko’y may bahid ng dugo
May mga lorong ‘di makalipad, nasa hawlang ginto
May mga punong walang dahon, mga pusong ‘di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Mula nang makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago
Ngayon, ang puso’y may takot sa lupang ‘pinangako
Lapit, mga kaibigan at makinig kayo
Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Dati-rati, ang mga bukid ay kulay ginto
Dati-rati, ang mga ibon, singlaya ng tao
Dati-rati ay katahimikan ang musikang nagpapatulog
Sa mga batang walang muwang sa mundo
Ngayon, ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n’yo ang mga sigaw ng mga puso ng taong
Kung inyong dadamhing kabilang sa inyo
Duol, mga kaigsuunan, ug paminaw kamo
Duna ko’y dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
Nga nagagahitabo sa banwa gisa na ‘to